Tuesday, November 20, 2012

Graduation

Kahit sinong magulang sa mundo ay hangad na makapagtapos ang kanilang mga anak lalo na kung ito lamang ang kanilang tanging yaman na maipapamana. Ngunit papano kung ito mismo ay ipagdamot ng mismong paaralan na kaniyang pinapasukan dahil lamang sa hindi pa ito nakakapagbayad ng graduation fee?.

Isa akong estudyante  "Batch 2000" ng Maranatha Christian Academy na ngayon ay mas kilala sa pangalang National Life Christian Academy sa Paliparan Sto. Nino, Marikina City.

Maganda ang pangalan ng School dahil ito ay "Christan School" daw, eskwelahan na sa unang impression ay isang maalahanin at makapagkalingngang paaralan. Nais ko sanang ibahagi ang aking kwento sa aking Alma Matter.

Lahat ng high school senior ay masaya dahil na rin sa nalalapit naming pagtatapos. After class kami ay nag eensayo sa stage at gabi na kung umuwi ng bahay. At dahil ito ay private school asahan mo nang hindi libre ang graduation fee, na ang halaga ay 1000 pesos. Maliit na halaga lamang ito sa ibang mag aaral na medyo nakakaangat sa buhay. Ngunit sa kagaya ko na ang tanging ikinakakabuhay ng pamilya ay ang pagtitinda sa palengke, ito na napakalaking halaga.

Akoy nakiusap na sa dahilang kami ay mahuhuling makapagbayad sa oras dahil didiskarte pa ang nanay at tatay ng pera. Hindi naman sila sumagot ng oo o hindi.

Praktis ulit ng graduation nagbabasakaling pagbigyan na makasama sa pagtatapos.At dahil narin na ineexpect ko na pagbigyan narin kami.

Graduation day, ako ay gumising ng maaga upang magaayos ng damit na isusuot sa pinakamasya at pinakamahalagng araw ng buhay estudyante. Nauna kami ng aking tiyahin na tumungo sa school upang kunin ang aking Toga. Pagdating sa Register counter, sabi ay hindi nila ako maaring bigyan ng toga dahil hindi pa ako bayad sa graduation fee. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa halagang hindi agad naibigay ay ipinagdamot ng "Isang Makadiyos daw"  na School ang aking pagkakataon na maglakad at tumuntong ng entablado. Kami ay nakiusap sa aking adviser na baka pwede na lang ihabol ang bayad dahil walang wala pa kaming pera. Pero ang sabi nya "School Policy " po kasi eh.

Magsisimula na ang program, nakikusap parin kami na sana ay maari pa akong makadalo. Tumitingin na ang mga tao samin, nakakahiya na kaya nagpasya na lang kami na umalis at hindi na umatend ng graduation.

Naisipan na lang namin na kumain ng halo halo sa palengke ng marikina upang magpalipas ng oras. Ako'y nag isip na sana ay hindi na lang ako nagpraktis kung hindi naman pala nila ako papayagan na makakadalo ng graduation.

Nakauwi kami ng bahay at sabi ng magulang ko na pinababalik daw ako ng school. Sabi ko huli na, kung kailan napahiya na ako sa harap ng maraming tao at kung kailan ilang oras na lang ay matatapos na ang graduation tsaka nila ako pababalikin"!.

Simula nun ay nawala na ang aking respeto sa kanila at hanggang ngayon ay namumuhi ako sa ginawa nila sakin. Parang may kinuha sila sa aking pagkatao. Pero hindi ako sumuko at hindi ito naging hadlang sa aking pagsusumikap sa buhay.

Nagsumikap akong makapagtrabaho at magipon para matubos ko sa kanila ang aking diploma. Naswertehan naman na makapag ibang bansa at naging regular sa king pinapasukan. Ngayong ako'y medyo kahit papano at hindi nahihirapan sa buhay ay nagulat dahil ang lakas naman ng loob nilang manghingi ng pamasko sakin. Sa lahat ng ginawa nila sakin  na parang aso nun na nakikiusap sa kanila bigla nalang mamamasko.

Kagaya ng dati, pinaasa ko rin sila na akoy magbibigay ng pamasko. Pero hanggang ngayon ay hindi ko pa nabibigay.

12 years na ang nakakalipas, ano na kaya ang nangyari sa aking dating eskwelahan?

Tuesday, October 23, 2012

Habagat..

     August 7, 2012 ng umaga. Bumungad ang mga larawan sa Facebook tungkol sa epekto ng Hanging habagat sa Pilipinas. Samu't saring kwento at komento ang aking nabasa mula sa Social sites, TV at internet. Hindi ako mapalagay nang araw na yaon dahil na rin sa naranasan namin nung bagyong "Undoy." Naalala ko pa dahil kakasal lang namin ng aking asawa na si Blessie nung Sept. 9 2009 ilang araw na lang at babalik na ako sa Dubai  upang mag trabaho. Masaya ang aming pamilya ng araw na iyon, Nagbabalak  pa kaming mag picnic sa river park. Walang tigil ang ulan, nagluluto ng sopas ang aking misis upang madala sa aming picnic.Nguni't mukhang walang balak tumila ito at maya maya ay biglang bumuhos ang ulan. Napakalakas nito at tila nagngangalit ang tubig. Hindi naman kami nag aalala dahil alam namin na kahit anong bagyo pa ang dumating ay hindi aabutin ang aming bahay. Nagulat nalang kami dahil sa ilang oras na pag buhos ng ulan ay natanaw na namin ang tubig na kulay tsokolate papasok ng aming pinto. Dali dali kaming nag ayos upang iligtas ang mga bagay na mahahalaga. Binalot ko ang aking mga papeles lalo na ang aking passport at ticket. Iniisip ko na mabasa na ang lahat wag lang ang mga papeles ko. Dito nakasalalay ang aming kinabukasan.

Hindi pa luto ang sopas, bitbit ang ibang gamit at kaldero. Kami'y nagtungo sa bahay ng aking tiyahin na may second floor. Hanggang bewang agad ang tubig sa ilang minuto lamang. Nagkukumahog at umiiyak ang aking nakatatandang pinsan na si Ate May habang bitbit ang kanyang mga anak. At ang kapatid ko naman na si Jessa ay nakalimutang kunin ang kanyang cellphone sa bulsa, huli na ang lahat ng namalayan nya na nasira na ito. Narating namin ang second floor ng bahay ng Ante Ely ko, sige parin ang pag taas ng tubig. Mabuti nalang at magaling lumangoy ang dalawang kong bayaw at ikinabit ang lubid sa kabilang kalsada upang kami at makatawid sa isa pa naming kapitbahay na may third floor. Isa isa kaming tumawid, sinuong ang malakas na agos ng tubig. Buti na lang at payat pa si misis kaya madali syang nakatawid ng kalsada. hehehe.

Ligtas kaming lahat na nakatawid ng kalsada, salamat at mabait ang aming kapitbahay. Inabot na kami ng gabi at lahat kami ay ginaw na ginaw at mga walang laman ang aming sikmura. Hindi namin pinaligtas ang Sopas, kahit hindi pa ito timplado ay talo talo na at dahil wala ring imbak na tubig, amin na ring pinatos ang ulan na dumadaloy sa trapal na nasa ulunan namin. 3:30 am, unti unti nang bumaba ang tubig, lumuwag ang aming kalooban dahil nakakita na rin kami ng pag asa na hindi na babalik ang baha.

Na kami'y sigurado na ligtas at wala nang tubig, dali dali kaming bumaba ng bahay. Ako'y nalungkot ng makita ko ang aming bahay na puno ng putik at amoy ay hindi mo maipaliwanag dahil na rin sa tubig. Maya maya ay nagkagulo ang mga tao may sumigaw na."Magbubukas ulit ang Dam, mag silikas na kayo". Dala na rin ng nerbyos, "Salamat sa kape"  nagmadali kaming naglakad paakyat ng taas ng tumana upang puntahan ang aming kamagnak na nasa Marikina Heights. Sa aming pagbabay-bay, may nakasalubong kaming isang batang umiiyak at takot na takot. Hindi nya daw alam kung nasan ang mga magulang nya. Nag desisyon kaming isama muna ang bata.

Narating namin ang SSS, lahat ng mga taga Dao ay gulat na gulat ng makita ang aming sitwasyon. Nagpalipas kami ng ilang araw sa kanila at mabuti naman dahil nakita narin ng bata ang kanyang nawawalang magulang.


Dalawang araw na lang bago bumalik sa Dubai, umuwi kami ng aking asawa sa Maynila at nanalagi dahil sabi ng mga matatanda ay lapitin ng disgrasya ang mga taong paalis ng bansa. Isang araw bago lumipad ay nagpaalam ako kay misis na gusto kong bisitahin ang mga kamag anak ko sa Marikina  magpapaalam lang ako.Pumayag naman sya.

Kinamusta ko ang mga pinsan ko lalo na yung mga anak nila. Salamat sa diyos at walang nalagas sa aming angkan, ligtas kaming lahat.......

    August 8 2012, eto na naman ang isang unos na dumagok sa pilipinas. Walang bagyo pero dahil sa hanging habagat ay umulit na naman ang pagbaha at mas higit pa sa bagyong undoy. Hindi ako makatiis dahil sa bukod nasa ibang lugar ako, lalo na dito sa Dubai puro disyerto at araw lang. Ako'y sumubok na magpaalam sa aking kumpanya upang magbakasyon dahil narin sa naranasan kong si Undoy. Pumayag silang mag emergency leave ako sa loob ng 10 days. Masaya kong ibinalita sa mga taga pinas na ako'y uuwi.  Inayos ang mga dadalhing relief goods 'Imbes na balikbayan box' hehehe. Sakay ng Emirates Flight, narating ko ulit ang pinas at ako'y sinalubong ng malakas na ulan. Nangangamba na baka hindi ako makarating ng Montalban. Sumakay ako ng Airport Taxi upang magpahatid sa marikina. Dahil  na rin siguro sa hirap ng buhay, ayaw magmetro ng driver at gusto ay magbayad ako ng 1400 pesos.Wala akong dalang pera dahil sa biglaan ang aking pag alis at eksaktong 1000 pesos lang ang pera ko. Sabi ko sa driver" Ibaba nyo na lang ako dito sa Mgallanes at mag Mrt na lang ako." Wala syang nagawa at nagbayad lang akong 300 pesos.

   At talaga namang malas dahil biruin mo sira ang elevator ng MRT? napilitan tuloy akong akyatin ang metro dala ang dalawang mabibigat na bagahe.Pag dating sa pilahan ng ticket bungad sakin ng sekyu" Sir hindi ho kayo pwede sumakay ng MRT".. badtrip sa lahat ng badtrip talaga oh.. Baba ulit ako ng elevator, nanginginig na aking mga kamay sa bigat ng bagahe. Mabuti nalang at nakaskay agad ako ng Bus patunong Cubao. At pagdating doon at agad namang nakasakay ng taxi. Mabuti na lang at mabait ang driver dahil gumamit sya ng metro at sa halagang 500pesos nakauwi na ako ng montalban, may sukli pa akong 200.

Lubos ang aking kasiyahan ng makita ko na nakaabang sila nanay at tatay sa kalsada dahil ligtas sila. 10:30 ng gabi ng ako'y makarating sa bahay, Inabot ng hanggang first floor at walang nasira mga gamit dahil naagapan nila lahat.. Pag uwi ay hindi agad kami natulog dahil kahit papano ay masaya kaming nagkwentuhan. Inilabas ang mga pagkaing dala at iniluto.

4 am umagos na naman ang tubig galing sa Dam sa Montalban. Buti na lang hindi na ganun kalakas ang tubig, kaya kami ay panatag na kami ay ligtas.




At itong makulit kong Nanay ay hindi nagpapigil na lumabas, aayusin daw yung mga basahan...tsk tsk....tsk... Sumikat ang araw at kaming lahat ay masayang nagsalo salo sa almusal habang tinawan ang nagdaan na Habagat,,,


Sana next year iba naman, sana Snow na ang bumuhos sa Pinas.. Maiba lang...




Note: Some photos were taken from the internet...







Sa di inaasahang pagkakataon.

    Isang umagang makulimlim at nagbabadyang ulan, tulala si Roger sa labas ng kanilang bahay habang may hawak na isang baso ng kape minamasdan ang mga batang naglalaro sa kalsada ng tumana. Nag iisip kung paano didiskarte ng malaking pera para sa kanyang pamilya lalo na't may sakit ang anak nyang si Angelito. "Huy, Roger tara na at baka maubusan tayo ng fish ball na ibebenta" bungad ng kaibigan nitong si Topeng. " May darating daw na malakas na bagyo at sabi ni Aling Florita kung sino ang maagang makarating ay sya lang yung bibigyan nya ng paninda ". "Pare, gusto mo bang ganito na lang lagi ang ganap natin sa araw araw? Kukuha ng paninda tapos hindi pa natin alam kung kakasya ang kikitain natin para sa pamilya natin?" tanong ni Roger."Syempre hindi, gusto naman nating lahat na guminhawa at umayos ang kinabukasan ng ating pamilya di ba". sagot ni Topeng. " At tsaka bakit ang drama mo ngayon ha Roger? dagdag nito. " Wala lang, naawa lang ako sa pamilya at sarili ko. Kasi hindi ko maibigay sa kanila yung magandang buhay. Kahit anong kayod ng mga buto ko wala paring resulta". "Alam mo mamaya ka na magmukmok dyan, halika na kay Aling Florita at kunin na natin yung paninda. Idaanan na lang natin sa inuman yan pagakatapos.."

   Habang binabaybay nila ang kalye Upo patungo kila Aling Florita sa Malanday, Marikina. Gulo parin ang isip ni Roger. Iniisip ang kaniyang mag ina, "Paano kaya kung biglang may mangyari sakin na masama at hindi na ako makbalik ng buhay sa pamilya ko, paano na sila?". Ng sa isang mulat nya ay may napansin siyang advertisement na nakadikit sa poste ng meralco. " Job Vacancy in Saudi with no placement fee." ...

Itutuloy.....