Kahit sinong magulang sa mundo ay hangad na makapagtapos ang kanilang mga anak lalo na kung ito lamang ang kanilang tanging yaman na maipapamana. Ngunit papano kung ito mismo ay ipagdamot ng mismong paaralan na kaniyang pinapasukan dahil lamang sa hindi pa ito nakakapagbayad ng graduation fee?.
Isa akong estudyante "Batch 2000" ng Maranatha Christian Academy na ngayon ay mas kilala sa pangalang National Life Christian Academy sa Paliparan Sto. Nino, Marikina City.
Maganda ang pangalan ng School dahil ito ay "Christan School" daw, eskwelahan na sa unang impression ay isang maalahanin at makapagkalingngang paaralan. Nais ko sanang ibahagi ang aking kwento sa aking Alma Matter.
Lahat ng high school senior ay masaya dahil na rin sa nalalapit naming pagtatapos. After class kami ay nag eensayo sa stage at gabi na kung umuwi ng bahay. At dahil ito ay private school asahan mo nang hindi libre ang graduation fee, na ang halaga ay 1000 pesos. Maliit na halaga lamang ito sa ibang mag aaral na medyo nakakaangat sa buhay. Ngunit sa kagaya ko na ang tanging ikinakakabuhay ng pamilya ay ang pagtitinda sa palengke, ito na napakalaking halaga.
Akoy nakiusap na sa dahilang kami ay mahuhuling makapagbayad sa oras dahil didiskarte pa ang nanay at tatay ng pera. Hindi naman sila sumagot ng oo o hindi.
Praktis ulit ng graduation nagbabasakaling pagbigyan na makasama sa pagtatapos.At dahil narin na ineexpect ko na pagbigyan narin kami.
Graduation day, ako ay gumising ng maaga upang magaayos ng damit na isusuot sa pinakamasya at pinakamahalagng araw ng buhay estudyante. Nauna kami ng aking tiyahin na tumungo sa school upang kunin ang aking Toga. Pagdating sa Register counter, sabi ay hindi nila ako maaring bigyan ng toga dahil hindi pa ako bayad sa graduation fee. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa halagang hindi agad naibigay ay ipinagdamot ng "Isang Makadiyos daw" na School ang aking pagkakataon na maglakad at tumuntong ng entablado. Kami ay nakiusap sa aking adviser na baka pwede na lang ihabol ang bayad dahil walang wala pa kaming pera. Pero ang sabi nya "School Policy " po kasi eh.
Magsisimula na ang program, nakikusap parin kami na sana ay maari pa akong makadalo. Tumitingin na ang mga tao samin, nakakahiya na kaya nagpasya na lang kami na umalis at hindi na umatend ng graduation.
Naisipan na lang namin na kumain ng halo halo sa palengke ng marikina upang magpalipas ng oras. Ako'y nag isip na sana ay hindi na lang ako nagpraktis kung hindi naman pala nila ako papayagan na makakadalo ng graduation.
Nakauwi kami ng bahay at sabi ng magulang ko na pinababalik daw ako ng school. Sabi ko huli na, kung kailan napahiya na ako sa harap ng maraming tao at kung kailan ilang oras na lang ay matatapos na ang graduation tsaka nila ako pababalikin"!.
Simula nun ay nawala na ang aking respeto sa kanila at hanggang ngayon ay namumuhi ako sa ginawa nila sakin. Parang may kinuha sila sa aking pagkatao. Pero hindi ako sumuko at hindi ito naging hadlang sa aking pagsusumikap sa buhay.
Nagsumikap akong makapagtrabaho at magipon para matubos ko sa kanila ang aking diploma. Naswertehan naman na makapag ibang bansa at naging regular sa king pinapasukan. Ngayong ako'y medyo kahit papano at hindi nahihirapan sa buhay ay nagulat dahil ang lakas naman ng loob nilang manghingi ng pamasko sakin. Sa lahat ng ginawa nila sakin na parang aso nun na nakikiusap sa kanila bigla nalang mamamasko.
Kagaya ng dati, pinaasa ko rin sila na akoy magbibigay ng pamasko. Pero hanggang ngayon ay hindi ko pa nabibigay.
12 years na ang nakakalipas, ano na kaya ang nangyari sa aking dating eskwelahan?
No comments:
Post a Comment