August 7, 2012 ng umaga. Bumungad ang mga larawan sa Facebook tungkol sa epekto ng Hanging habagat sa Pilipinas. Samu't saring kwento at komento ang aking nabasa mula sa Social sites, TV at internet. Hindi ako mapalagay nang araw na yaon dahil na rin sa naranasan namin nung bagyong "Undoy." Naalala ko pa dahil kakasal lang namin ng aking asawa na si Blessie nung Sept. 9 2009 ilang araw na lang at babalik na ako sa Dubai upang mag trabaho. Masaya ang aming pamilya ng araw na iyon, Nagbabalak pa kaming mag picnic sa river park. Walang tigil ang ulan, nagluluto ng sopas ang aking misis upang madala sa aming picnic.Nguni't mukhang walang balak tumila ito at maya maya ay biglang bumuhos ang ulan. Napakalakas nito at tila nagngangalit ang tubig. Hindi naman kami nag aalala dahil alam namin na kahit anong bagyo pa ang dumating ay hindi aabutin ang aming bahay. Nagulat nalang kami dahil sa ilang oras na pag buhos ng ulan ay natanaw na namin ang tubig na kulay tsokolate papasok ng aming pinto. Dali dali kaming nag ayos upang iligtas ang mga bagay na mahahalaga. Binalot ko ang aking mga papeles lalo na ang aking passport at ticket. Iniisip ko na mabasa na ang lahat wag lang ang mga papeles ko. Dito nakasalalay ang aming kinabukasan.
Hindi pa luto ang sopas, bitbit ang ibang gamit at kaldero. Kami'y nagtungo sa bahay ng aking tiyahin na may second floor. Hanggang bewang agad ang tubig sa ilang minuto lamang. Nagkukumahog at umiiyak ang aking nakatatandang pinsan na si Ate May habang bitbit ang kanyang mga anak. At ang kapatid ko naman na si Jessa ay nakalimutang kunin ang kanyang cellphone sa bulsa, huli na ang lahat ng namalayan nya na nasira na ito. Narating namin ang second floor ng bahay ng Ante Ely ko, sige parin ang pag taas ng tubig. Mabuti nalang at magaling lumangoy ang dalawang kong bayaw at ikinabit ang lubid sa kabilang kalsada upang kami at makatawid sa isa pa naming kapitbahay na may third floor. Isa isa kaming tumawid, sinuong ang malakas na agos ng tubig. Buti na lang at payat pa si misis kaya madali syang nakatawid ng kalsada. hehehe.
Ligtas kaming lahat na nakatawid ng kalsada, salamat at mabait ang aming kapitbahay. Inabot na kami ng gabi at lahat kami ay ginaw na ginaw at mga walang laman ang aming sikmura. Hindi namin pinaligtas ang Sopas, kahit hindi pa ito timplado ay talo talo na at dahil wala ring imbak na tubig, amin na ring pinatos ang ulan na dumadaloy sa trapal na nasa ulunan namin. 3:30 am, unti unti nang bumaba ang tubig, lumuwag ang aming kalooban dahil nakakita na rin kami ng pag asa na hindi na babalik ang baha.
Na kami'y sigurado na ligtas at wala nang tubig, dali dali kaming bumaba ng bahay. Ako'y nalungkot ng makita ko ang aming bahay na puno ng putik at amoy ay hindi mo maipaliwanag dahil na rin sa tubig. Maya maya ay nagkagulo ang mga tao may sumigaw na."Magbubukas ulit ang Dam, mag silikas na kayo". Dala na rin ng nerbyos, "Salamat sa kape" nagmadali kaming naglakad paakyat ng taas ng tumana upang puntahan ang aming kamagnak na nasa Marikina Heights. Sa aming pagbabay-bay, may nakasalubong kaming isang batang umiiyak at takot na takot. Hindi nya daw alam kung nasan ang mga magulang nya. Nag desisyon kaming isama muna ang bata.
Narating namin ang SSS, lahat ng mga taga Dao ay gulat na gulat ng makita ang aming sitwasyon. Nagpalipas kami ng ilang araw sa kanila at mabuti naman dahil nakita narin ng bata ang kanyang nawawalang magulang.
Dalawang araw na lang bago bumalik sa Dubai, umuwi kami ng aking asawa sa Maynila at nanalagi dahil sabi ng mga matatanda ay lapitin ng disgrasya ang mga taong paalis ng bansa. Isang araw bago lumipad ay nagpaalam ako kay misis na gusto kong bisitahin ang mga kamag anak ko sa Marikina magpapaalam lang ako.Pumayag naman sya.
Kinamusta ko ang mga pinsan ko lalo na yung mga anak nila. Salamat sa diyos at walang nalagas sa aming angkan, ligtas kaming lahat.......
August 8 2012, eto na naman ang isang unos na dumagok sa pilipinas. Walang bagyo pero dahil sa hanging habagat ay umulit na naman ang pagbaha at mas higit pa sa bagyong undoy. Hindi ako makatiis dahil sa bukod nasa ibang lugar ako, lalo na dito sa Dubai puro disyerto at araw lang. Ako'y sumubok na magpaalam sa aking kumpanya upang magbakasyon dahil narin sa naranasan kong si Undoy. Pumayag silang mag emergency leave ako sa loob ng 10 days. Masaya kong ibinalita sa mga taga pinas na ako'y uuwi. Inayos ang mga dadalhing relief goods 'Imbes na balikbayan box' hehehe. Sakay ng Emirates Flight, narating ko ulit ang pinas at ako'y sinalubong ng malakas na ulan. Nangangamba na baka hindi ako makarating ng Montalban. Sumakay ako ng Airport Taxi upang magpahatid sa marikina. Dahil na rin siguro sa hirap ng buhay, ayaw magmetro ng driver at gusto ay magbayad ako ng 1400 pesos.Wala akong dalang pera dahil sa biglaan ang aking pag alis at eksaktong 1000 pesos lang ang pera ko. Sabi ko sa driver" Ibaba nyo na lang ako dito sa Mgallanes at mag Mrt na lang ako." Wala syang nagawa at nagbayad lang akong 300 pesos.
At talaga namang malas dahil biruin mo sira ang elevator ng MRT? napilitan tuloy akong akyatin ang metro dala ang dalawang mabibigat na bagahe.Pag dating sa pilahan ng ticket bungad sakin ng sekyu" Sir hindi ho kayo pwede sumakay ng MRT".. badtrip sa lahat ng badtrip talaga oh.. Baba ulit ako ng elevator, nanginginig na aking mga kamay sa bigat ng bagahe. Mabuti nalang at nakaskay agad ako ng Bus patunong Cubao. At pagdating doon at agad namang nakasakay ng taxi. Mabuti na lang at mabait ang driver dahil gumamit sya ng metro at sa halagang 500pesos nakauwi na ako ng montalban, may sukli pa akong 200.
Lubos ang aking kasiyahan ng makita ko na nakaabang sila nanay at tatay sa kalsada dahil ligtas sila. 10:30 ng gabi ng ako'y makarating sa bahay, Inabot ng hanggang first floor at walang nasira mga gamit dahil naagapan nila lahat.. Pag uwi ay hindi agad kami natulog dahil kahit papano ay masaya kaming nagkwentuhan. Inilabas ang mga pagkaing dala at iniluto.
4 am umagos na naman ang tubig galing sa Dam sa Montalban. Buti na lang hindi na ganun kalakas ang tubig, kaya kami ay panatag na kami ay ligtas.
At itong makulit kong Nanay ay hindi nagpapigil na lumabas, aayusin daw yung mga basahan...tsk tsk....tsk... Sumikat ang araw at kaming lahat ay masayang nagsalo salo sa almusal habang tinawan ang nagdaan na Habagat,,,

Sana next year iba naman, sana Snow na ang bumuhos sa Pinas.. Maiba lang...
Note: Some photos were taken from the internet...

No comments:
Post a Comment