Isang umagang makulimlim at nagbabadyang ulan, tulala si Roger sa labas ng kanilang bahay habang may hawak na isang baso ng kape minamasdan ang mga batang naglalaro sa kalsada ng tumana. Nag iisip kung paano didiskarte ng malaking pera para sa kanyang pamilya lalo na't may sakit ang anak nyang si Angelito. "Huy, Roger tara na at baka maubusan tayo ng fish ball na ibebenta" bungad ng kaibigan nitong si Topeng. " May darating daw na malakas na bagyo at sabi ni Aling Florita kung sino ang maagang makarating ay sya lang yung bibigyan nya ng paninda ". "Pare, gusto mo bang ganito na lang lagi ang ganap natin sa araw araw? Kukuha ng paninda tapos hindi pa natin alam kung kakasya ang kikitain natin para sa pamilya natin?" tanong ni Roger."Syempre hindi, gusto naman nating lahat na guminhawa at umayos ang kinabukasan ng ating pamilya di ba". sagot ni Topeng. " At tsaka bakit ang drama mo ngayon ha Roger? dagdag nito. " Wala lang, naawa lang ako sa pamilya at sarili ko. Kasi hindi ko maibigay sa kanila yung magandang buhay. Kahit anong kayod ng mga buto ko wala paring resulta". "Alam mo mamaya ka na magmukmok dyan, halika na kay Aling Florita at kunin na natin yung paninda. Idaanan na lang natin sa inuman yan pagakatapos.."
Habang binabaybay nila ang kalye Upo patungo kila Aling Florita sa Malanday, Marikina. Gulo parin ang isip ni Roger. Iniisip ang kaniyang mag ina, "Paano kaya kung biglang may mangyari sakin na masama at hindi na ako makbalik ng buhay sa pamilya ko, paano na sila?". Ng sa isang mulat nya ay may napansin siyang advertisement na nakadikit sa poste ng meralco. " Job Vacancy in Saudi with no placement fee." ...
Itutuloy.....

Hi insan. I just learned of your experiences during Ondoy and during the Habagat through this post of yours. Grabe pala ang pinagdaanan nyo noon. But still, we should be thankful that the Lord has kept you all. Tuloy mo lang ang pagsusulat.
ReplyDelete